Senador Gringo Honasan, malaki ang magagawa para obligahin ang Telcos na pagandahin ang kanilang serbisyo – Cong. Albano
Naniniwala si Isabela Congressman Rodolfo Albano III na malaki ang magagawa ni Senador Gregorio Honasan bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para mas gumanda pa ang serbisyo ng mga telecommunication company sa bansa.
Ayon kay Albano si Honasan ang pag-asa ng ng mga Pinoy para mapalakas ang mga polisiya sa Information and Communication Technology Industry.
Para kay Albano, hindi nagkamali ang Pangulo sa pagtatalaga kay Honasan na isang beteranong mambabatas sa halip na isang technical man ang ilagay sa puwesto.
Sa mahigit 10 taon aniya ni Honasan sa Senado ay alam na nito ang pangangailangan ng publiko pagdating sa serbisyo ng mga Telco.
Kumpiyansa rin si Albano na hindi mahihirapang makalusot si Honasan sa oras na sumalang ito sa Commission on Appointments.
Ulat ni Madz Villar