Senador Imee Marcos , duda sa AKAP program ng DSWD
Nais ni Senador Imee Marcos na maimbestigahan ng bukod ng Senado ang bagong programa ng Department of Social Welfare and Development na AKAP o ayuda sa kapos ang kita program.
Una rito sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms sinabi ni Marcos na nagulat siya sa nasabing programa na mayroon pang 26.7 bilyong pisong pondo gayung siya mismong sponsor ng budget ng DSWD ay hindi ito alam.
Dahil dito sa susunod na pagdinig ng Senado kaugnay ng People’s Initiative, ipapatawag na rin niya si DSWD Secretary Rex Gatchalian para magpaliwanag patungkol sa AKAP.
Sa isang pahayag, sinabi naman ni Gatchalian na ang AKAP program ay idinisenyo para sa mga nasa kategorya ng “near poor” para mapigilan silang bumaba sa poverty line.
kasama rito ang minimum wage earners na vulnerable sa inflation.
Sa panayam naman sa Radyo Agila, ipinaliwanag ni DSWD Spokesperson ASEC Rommel Lopez na tagapagpatupad lang sila ng ng mga programang inaprubahan at pinondohan ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso.
Tiniyak rin niya na wala pang nagagastos mula sa nasabing pondo dahil ginagawa pa ang guidelines nito.
Madelyn Villar – Moratillo