Senador Imee Marcos, dumipensa sa re alignment ng mga hindi nakakatanggap ng ayuda
Sinagot ni Senador Imee Marcos ang alegasyon ng isang kongresista hinggil sa umano’y pagpapalipat niya ng pondo ng Department of Social Workers and Development o DSWD dahilan kaya maramimg mahihirap na pamilyang Pilipino ang hindi nakatanggap ng ayuda.
Sa alegasyon ni AKO Bicol Representative Jill Bongalon, ipinalipat umano ni Marcos ang pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program O 4Ps.
Kinumpirma ni Marcos na ipinalipat niya ang budget dahil noong dinala sa Senado ang 2023 budget ng DSWD, inamin ng mga opisyal nito halos 45 percent pa lang ng pondo ang kanilang nagagamit .
Para hindi ito maibalik sa National treasury at mapakinabangan pa ng mga kababayan, inirekomenda niya na ilipat ito sa ibang programa kabilang na ang Feeding program, kalahi seeds para sa mga mahihirap na munsipalidad, quick response fund o pagtugon sa kalamidad at assistance to individuals in crisis situation.
Hindi raw sa kaniya dapat isisi kung may hindi nabigyan ng 4Ps, dahil isinasapinal noon ng DSWD ang kanilang listahan o benificiaries kung saan tinanggal ang mga nakatapos na sa programa.
Meanne Corvera