Senador Imee Marcos na nagpabasura noon sa Death penalty law, payag sa parusang kamatayan pero pinalilimitahan sa Drug trafficking
Bukas na rin si Senador Imee Marcos sa mga panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.
Isa si Marcos sa mga nagsulong noon sa Kamara para sa abolition ng Death Penalty noong 2006 noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Nagbago umano ang kaniyang pananaw at nakita ang pangangailangan para ibalik ang parusang kamatayan dahil nasaksihan nya ang mga kaso ng brutality, level of inhumanity, terorismo at iba pang karumal-dumal na krimen dulot ng paggamit ng iligal na droga.
Pero nilinaw ni Marcos na kailangang limitahan ito sa drug trafficking at matiyak na maibibigay ang karapatan ng mga akusado.
Hindi rin pabor si Marcos na gawin ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng bitay o firing squad at ikunsidera pa rin ang pinaka-humane o painless.
Ulat ni Meanne Corvera