Senador Jinggoy Estrada, nagbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Abra
Nagbigay ng tulong si Senador Jinggoy Estrada sa mga biktima ng lindol sa Abra.
Nagtungo sa Abra si Estrada para personal na pangunahan ang relief operations sa mga naapektuhan ng lindol.
Kabilang sa mga dinala ng Senador ang sako-sakong mga bigas at iba pang personal na kailangan ng mga tao doon.
Nagsagawa rin ng ocular inspection at nanghingi ng update ang Senador sa mga lokal na opisyal sa lawak ng naging pinsala para magamit sa pagbalangkas ng mga batas.
Mahalaga rin aniya na personal nilang nakita ang sitwasyon para sa pagtalakay sa panukalang budget sa 2023 na inaasahang hihimayin na ng Senado sa susunod na buwan.
Ipinatawag ni Estrada sa isang meeting ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace at Unification sa susunod na linggo ang mga opisyal ng NDRRMC at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Office umabot na sa mahigit 109 libong pamilya pamilya o 421,728 indibidwal ang naapektuhan, samantalang 65,858 naman ang displaced persons.
Kapwa naghain ng panukalang batas sina Estrada at Senador Bong Go para sa pagtatayo ng mga multi-purpose hall o mga gym o mga permanenteng evacuation centers para sa mga biktima ng ibat-ibang kalamidad.
Meanne Corvera