Senador Jinggoy , Not guilty sa Plunder case : pero hinatulang makulong sa kasong Bribery
Not Guilty!
Yan ang naging hatol ng Sandiganbayan 5th division sa kasong Plunder laban kay Senador Jinggoy Estrada kaugnayan sa umano’y pagkuha ng kickback sa kaniyang pork barrel na nagkakahalaga ng 183 million pesos noong 2013.
Gayunman hinatulan ang Senador ng Guilty sa isang kaso ng direct bribery na may parusang walo hanggang siyam na taong pagkakabilanggo.
Guilty rin si Estrada sa 2 counts ng indirect bribery na may parusang dalawa hanggang tatlong taong pagkakakulong.
Kasama sa parusa ang temporary disqualification sa pwesto at disqualification to right to suffrage o pagboto.
Pinagbabayad rin ito ng tatlong milyong pisong multa ng Korte pero ang kaso ay maaari pang i apela sa korte at maaaring magpiyansa.
Meanne Corvera