Senador Joel Villanueva haharangin ang pagpapatibay ng Divorce bill
Haharangin ni Senador Joel Villanueva ang panukalang gawing ligal ang diborsyo sa Pilipinas.
Ayon kay Villanueva, ang diborsyo ay hindi bahagi ng kultura sa Pilipinas na isang relihiyosong bansa.
Para kay Villanueva hindi dapat ipasa ang panukala dahil hindi dapat maging daan ang gobyerno o kongreso sa pakikialam sa buhay ng mag asawa.
Kung siya raw ang tatanungin dapat pa ngang bumuo ng batas para maging parte ng solusyon at reconciliation para maging buo ang isang pamilya at hindi kunsintihin ang anumang paghihiwalay.
Paalala naman ni Villanueva bahagi ng mandato ng gobyerno na pahalagahan ang mamamayang Filipino kasama na ang pagsasama ng mga mag-asawa.
Ulat ni Meanne Corvera