Senador Leila de Lima, naghain na rin ng COC para sa kanyang re- election
Tatakbong muli sa eleksyon sa Mayo si Senador Leila de Lima.
Naghain si de Lima ng kaniyang Certificate of Candidacy sa Comelec sa pamamagitan ng kaniyang abugado na si Atty. Dino de Leon.
Sa isang mensahe, sinabi ni de Lima na nais niyang ibalik ang hustisya at demokrasya sa susunod na administrasyon na umano’y sinira ni Pangulong Rodrigo Duterte at patutunayang walang basehan ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Si de Lima ay nakakulong mula pa noong February 2017 sa PNP Custodial center sa mga kasong may kaugnayan sa illegal drug trade.
Maliban kay de Lima, naghain na rin ng kaniyang COC para sa kaniyang ikalawang termino sa Senado si Senador Sherwin Gatchalian.
Nagdesisyon aniya siyang sumabak muli sa Senado matapos siyang pagsabihan ni Mayor Sarah Duterte na hindi ito tatakbong Pangulo sa halip ay tatapusin ang kaniyang termino bilang alkalde sa Davao city.
Nauna nang inalok ni Gatchalian ang sarili na makatandem ni Mayor Sarah Duterte sakaling tumakbo ito sa Presidential race.
Meanne Corvera