Senador Leila de Lima , pinayagang sumailalim sa medical check up

Pinayagan ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256 si Senador Leila De lima para sumailalim sa medical check up mula Abril 5 hanggang Abril 6.

Sa kanyang dalawang-pahinang kautusan , pinayagan ni Judge Romeo Buenaventura si De lima na muling sumailalim sa pagsusuri batay na rin sa kahilingan ng kanyang mga manggagamot.

Nitong 2018, nakitaan ng “liver mass” si De lima, pero naging benign naman ito.

Gayunman, inirekomenda ng manggagamot na normal siyang sumailalim sa medical check up bawat taon para matiyak na physically fit ito.

Si De lima ay nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs.

Meanne Corvera

Please follow and like us: