Senador Leila de Lima umalma sa mga alegasyon na paghihiganti ang pakay ng pagsasampa ng kaso sa mga dawit sa pork barrel scam
Mariing itinanggi ni Senadora Leila De Lima na bahagi ng paghihiganti ng Aquino Administration sa mga political enemies nito ang pagsasampa ng kasong plunder laban sa dawit sa pork barrel scam.
Kasunod ito ng pagpapawalang sala ng Sandiganbayan laban kay dating Senador Bong Revilla.
Sa isang pahayag, sinabi ni DE LIma na ang case build up laban kina REvilla, dating SEnador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at iba pang kongresista ay resulta ng illegal detention at rescue operations kay Benhur Luy, ang staff ng pork barrel Queen na si Janet Lim Napoles.
Iginiit ni De Lima na nagsilbing kalihim ng DEpartment of Justice na wala silang inimbentong mga ebidensiya at ang mga naiprisinta sa korte at official government documents na galing pa sa Commission On Audit at Department of Budget and Management.
Sinundan lang aniya nila ang paper trail batay sa mga nakalap na ebidensiya at testimonya ni Benhur Luy
Ulat ni Meanne Corvera