Senador Loren Legarda tinawagan na rin ng ilang contender sa pagka house speaker
Wala nang balak si Senador Loren Legarda na makisawsaw pa sa agawan sa house speakership.
Isa si Legarda sa mga napaulat na posibleng maging contender sa pagka house speaker pagpasok ng susunod na kongreso.
Ayon kay Legarda, nasorpresa sya na nakasama ang pangalan sa posibleng kandidato pero wala syang balak na makipagtapatan pa sa mga frontrunners na sina Congressman Pantaleon Alvarez, Lord Allan Velasco at Congressman Alan Peter Cayetano.
“I want to help the province to which i was elected spekershp is never bbeen in my radar”
Pero inamin ni Legarda na may mga contenders na sa pagka house speaker ang tumawag sa kanya pero hindi direktang humingi ng kaniyang suporta.
Nauna nang ibinunyag ni Alvarez na nagsimula na ngayon ang panliligaw sa mga kongresista kung saan umaabot sa limandaan hanggang isang milyong piso ang iiniaalok na suhol kapalit ng boto sa pagka house speaker.
“I hope that it is untrue because positions in government even in the legsilative dept should not be for sale we should give them the benefit of the doubt”
Ipauubaya nya na sa kaniyang mga partymates sa Nationalist Peoples Coalition ang pagpili kung sino ang susuportahang bagong house speaker.
Ang NPC ay may apatnaput siyam na miyembro pagpasok ng 18th congress na itininuturing na pangalawa sa may pinaka maraming miyembrong partido kasunod ng rulling party na PDP LABAN.
Sinabi ni Legarda ang ang kaniyang interes ngayon ay pamunuan ang huose committee on appropriations lalot may sapat naman syang expertise sa paghimay ng panukalang budget sa nkalipas na limang taon.
Gayunman, hindi nya ito hinihingi at ipauubaya sa house leadership kung sino ang itatalagang mamumuno sa mga komite sa Kamara.
Aminano si Legarda na kahit nakapagsilbi na ng labingwalong taon sa senado, mas exciting ang trabaho ng isang kongresista dahil nakikita nya ang direktang problema ng kaniyang mga constituents gaya ng Antique.
Ulat ni Meanne Corvera