Senador Manny Pacquiao , humingi ng tulong sa PNP para mahuli ang nasa likod ng pamemeke ng kaniyang pirma
Humingi na ng tulong si Senador Manny Pacquaio sa Philippine National Police para matukoy ang nasa likod ng pamemeke ng kaniyang pirma sa isang memorandum na inilabas ng PDP laban.
Sa sulat ni Pacquaio sa pamamagitan ng kaniyang abugado na si Atty Pelagio Cuison kina PNP Chief Guillermo Eleazar at Anti-Cybercrime Group Director Brig. Gen. Robert Rodriguez, sinabi nitong ginamit ang pirma ni Pacquiao sa isang memo na naglalaman ng “confidential plan.
Kalakip ng sulat isinumite ng kampo ni Pacquio ang mga pangalan ng mga hinihinalang nagsabwatan kabilang na sina matibag na presidente ng National Transmission Corporation dating Press Secretary Bobi Tiglao, pro-administration blogger na si Trixie Cruz-Angeles, isang Ahmed Paglinawan.
Itinanggi na ng National Executive Committee ng PDP laban na sila amg naglabas ng dokumento at sinabing isa itong fake documents.
Apila nila sa PNP dapat agad itong maresolba dahil katulad raw ito ng fake news na kumakalat sa mga social media.
Babala ng kampo ni Pacquaio maaring maharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention law ang may kagagawan nito na may multang 40 libong piso hanggang 1.2 million pesos at pagkakakulong na dalawa hanggang walong taon.
Meanne Corvera