Senador Manny Pacquiao sa Comelec : itigil na ang Bangayan sa Disqualificatin cases ni BBM
Umapila si Presidential aspirant at Senador Manny Pacquaio sa Commission on Elections na itigil na ang bangayan sa isyu ng disqualification case laban sa kapwa kandidato na si Bongbong Marcos.
Sa harap ito ng panawagan ni Commissioner Rowena Guanzon kay Commissioner Aimee Ferolino na sabay silang magbitiw sa pwesto dahil nakukuwestiyon na ang integridad ng Comelec.
Ayon sa senador hindi dapat maging personal ang trabaho ng mga nasa Comelec at hindi dapat kumiling lang sa imbestigasyon ng iisang kandidato.
Paalala niya, nagsisilbi ang mga opisyal hindi sa iisang kandidato kundi sa lahat ng mga pilipino kaya dapat maayos na gampanan ang kanilang trabaho.
Sa halip na magbangayan umapila ang Senador na mag focus ang Comelec sa paghahanda sa pagdaraos ng eleksyon lalo ngayong nalalapit na ang kampanya.
Tiniyak naman ng Senador na ititigil niya na rin ang pamamahagi ng pera sa panahon ng kampanya at susunod sa mga itinatakdang guidelines ng inter agency task force.
Sa General Santos city niya raw balak ilunsad ang kaniyang kick off campaign dahil dito siya nagsimulang abutin ang kaniyang mga pangarap gaya ng pagiging matagumpay niya sa boxing career.
Umapila si pacquaio sa mga kapwa kandidato na itigil ang paggamit sa Comelec sa anumang political propaganda.
Kailangan raw mapanatili ang integridad ng komisyon dahil ito ang magiging sandigan ng mga pilipino para makapili ng mga susunod na lider ng bansa.
Meanne Corvera