Senador Manny umapela sa China na alisin na ang chinese vessel sa west philippine sea
Sumulat na si Senador Manny Pacquiao sa China para hilingin na alisin ang mga fishing vessel sa julian felipe reef sa west philippine sea.
Sa kaniyang sulat kay Beijing’s Ambassador to Manila Huang Xilian sinabi ni Pacquiao na lumilikha na ng tensyon ang presensyan ng mga chinese vessel sa islang sakop ng exclusive economic zone ng bansa.
Ito aniya ay malinaw na paglabag sa international rule of law.
Dapat aniyang irespeto ng China ang soberenya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalayas sa naturang mga sasakyang pandagat.
Sinabi pa ng Senador ito ang tamang panahon para maging unifying figure sa regional solidarity at makipagkaisa sa Asia Pacific Region para sa pagpapanatili ng kapayapaan lalo na ngayong may nararanasang pandemya sa buong mundo
Nilinaw naman ni Pacquio na inilabas nya ang sulat para pabulaanan ang mga alegasyon na tumanggi siyang lumagda sa Senate Resolution 708 na kumukundena sa militarisasyon ng China.
Wala daw dahilan para lumagda pa siya dahil sumulat na siya sa China noon pang April 10.
Meanne Corvera