Senador na dadalo sa joint session para sa ChaCha, posibleng mapatalsik sa senado
Posibleng mapatalsik ang sinumang miyembro ng senado na dadalo sa sesyon ng kamara para isulong ang pag amyenda sa konstitusyon.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson,, inirekomenda niya ang isyu sa all-member caucus na ipinatawag kagabi ng senate leadership sa umiinit na usapin sa chacha.
Wala aniya sa mga senador ang tumutol bilang pagrespeto sa institusyon.
Sinumang lalabag ay maari aniyang kasuhan o ireklamo ang sinumang senador sa ethics committee para patawan ng parusa ang sinumang miyembro na maaring magtaksil.
Senador Ping Lacson:
“Kasi nga nagkaroon what if one or 2 senators invited to attend the joint session that would be a semblance of participation tutal we will not allow ourselves so sabi ko para matibay ang usapan magkasundo na expel whoever members na sasama sa ganong arranement wirhout adopted by the body”.
Si Lacson ang author ng resolusyon na humihiling na mag convene ang senado bilang Con-Ass na hiwalay sa kamara para amyendahan ang 1987 Constitution pero sa pamamagitan ng proseso ng isang ordinaryong batas.
Suportado naman ng oposisyon ang rekomendasyon ni Lacson.
Ginawa raw nila ito para ipakita ang pagiging independent ng senado at hindi ito maaring diktahan ng kamara.
Senador Franklin Drilon:
“That how serious the senators feel about our power to vote separately, so that any indication that any member of the senate will defy that kind of unanimous opinion can be subjected to sanctions”.
Isa rin daw itong babala na hindi maaring i-railroad ng mga kaalyado ng Pangulo ang chacha at imposible na itong maihabol sa plebisito sa Mayo ng susunod na taon.
Senador Francis Kiko Pangilinan:
“Imposible yung may 2018 mahirap base dito sa napag usapan sa senado at mga senador at mga resource persons mukhang mahirap itong itinutulak nilang may 2018 may plebesito na”.
Para naman kay Senador Ralph Recto, nangangahulugan ito na patay na ang chacha sa senado.
Kinumpirma naman ni Senate President Aquilino Koko Pimentel na nakabuo ng concensus ang senado na hindi sila lalahok sa anumang joint session dahil nangangahulugan na ito ng pagpabor nito sa joint voting.
Kahit may pagdinig na sa chacha sa senado, hihintayin pa rin nila na mai- transmit ng Kamara ang inaprubahang resolusyon.
Senador Koko Pimentel:
“Ah no kasi physically when you’re in a joint session physically, the automatic thinking is that it will also voting jointly”. Since voting separately ang aming interpretation, I think we can proceed separately. And then we have the bicameral conference committee mechanism to harmonize whatever versions…”.
Kung aamyendahan aniya ang saligang batas nagdesisyon ang kaniyang mga kasamahan na ang sususportahan ay ang resolsuyon ni Senador Lacson.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===