Senado pabor na gawing permanent at valid ang Birth, Death at Marriage certificate
Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang batas na gawing permanent at valid ang Birth, Death at Marriage certificate.
Dalawamput isang Senador ang bomoto pabor sa Senate bill 2450 o Permanent Validity of certificates.
Sa inaprubahang panukala, valid na habambuhay ang mga birth, death at marriage certificate bilang katunayan ng identity ng isang tao anuman ang petsa ng pag-iisyu ng Philippine Statistics Office.
Pero kailangan ang dokumento ay manatiling intact at readable at hindi dapat maalis ang security features.
Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa pamamagitan ng panukala makakatipid ang publiko na paulit-ulit na kumukuha ng naturang mga dokumento.
Meanne Corvera