Senador Pacquiao kay PRRD: Hayaan ang Senado na imbestigahan ang nasilip na katiwalian sa pagbili ng medical supplies
Umapila si Senador Manny Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan ang Senado na mag-imbestiga sa nasilip na katiwalian sa pagbili ng medical supplies ng Department of Health (DOH).
Dapat na rin aniyang itigil ng Pangulo ang pagdepensa sa mga tauhan nitong nadadawit sa alegasyon ng katiwalian.
Ayon kay Pacquiao, hindi ito pamumulitika dahil bahagi ng mandato ng Senado ang mag- imbestiga at alamin kung sinu-sino ang mga nagsasamantala sa kaban ng bayan.
Iginiit naman ng Senador na hindi siya nakikipag-away sa Pangulo at ipinagtatanggol niya lang aniya ang alam niyang nasa katwiran.
Senador Pacquiao:
“Ang hiling ko lang sa Pangulo na hayaan kami na gampanan ang trabaho namin. Ang hiling ko lang e ‘wag niya depensahan ang mga tao niya na iniimbestigahan dahil may alleged na corruption at kung mapatunayan ipakulong natin. Sa totoo lang hindi pamumulitika ‘yan e. ginagampanan namin ang tungkulin as a Senator, as a legislator. We investigate in aid of legislation at ‘yun ang ginagawa namin at nung umpisa pa lang nung 2016 nag-iimbestiga na kami about corruption”.
Meanne Corvera