Senador Pacquiao, umalma sa pagturing sa kaniya bilang “absenerong mambabatas”
Binuweltahan ni Senador Manny Pacquaio si Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio matapos sabihing wala siyang kakayahang mamuno sa bansa dahil sa umano’y pagiging absenerong mambabatas.
Inamin ni Pacquaio na marami siyang naging pagliban noong siya ay Kongresista dahil abala siya noon sa kaniyang distrito.
Bukod dito, binabantayan niya ang kaniyang ipinagawang Pacman Village o libu-libong pabahay mula sa kaniyang sariling bulsa na libre niyang ipinamahagi sa mga taga-Saranggani at General Santos City.
Pero paglilinaw ng Senador, hindi ito nakaapekto sa kaniyang trabaho, katunayang marami syiang naipasang mga batas ngayong siya ay miyembro ng Senado.
Sinabi ni Senador na wala pa naman siyang naitatalang absent at maari aniya itong tingnan ni Carpio sa record ng Senado.
Iginiit ng Senador na ginagampanan niya ng maayos ang kaniyang trabaho katunayang pumasa na ang ilan sa mga inakda niyang panukala kabilang na ang Sin Tax, Free Internet access program sa mga pampublikong lugar at expanded Maternity Leave Law.
Statement Senador Pacquio”
“I have been absent not because I want to but because I need to. Kailangan kong puntahan ang aking distrito. Isang dahilan pa ay upang mabantayan at makita ng personal ang Pacman Village, ito po ang libo-libong libreng pabahay na ipinamigay ko sa aking mga kababayan sa Sarangani at Gensan. Galing po ito sa aking dugo at pawis at personal na pondo. Sinimulan ko po ‘yan noong 2004 na hindi pa ako pulitiko“.
Meanne Corvera