Senador Panfilo Lacson inilabas ang dokumento ng paghingi ng Financial assistance sa kanya ni Cong. Fredenil Castro
Naglabas ang kampo ni Senador Panfilo Lacson ng pruweba ng umano’y paglo=lobby ni Capiz Congressman Fredenil Castro para mapapondohan ang isang proyekto sa kaniyang distrito.
Ito ay ang 60-pahinang sulat ni Castro kay Lacson na may petsang Setyembre 19, 2019.
Hinihingi rito ang financial assistance ni Lacson para sa konstruksyon ng Municipal building para sa bayan ng Dumalag.
Kailangan ang bagong munisipyo para doon pagsama-samahin ang tanggapan ng iba’t -ibang ahensya ng gobyerno roon na masasagasaan ng kontruksyon ng malaking highway sa kanilang lugar.
Inilabas ng kampo ni Lacson ang sulat dahil sa report na sinabi ni Castro na fictional o imbento lang na nag-lobby ito sa Senador para sa isang proyekto.
Sagot naman dito ni Castro, hindi iyon lobby-letter kundi letter request na gaya lang ng ipinadala niya sa ibang Senador at idiniin na tulong iyon sa kaniyang mga constituents.
Sina Castro at Lacson ay nagsagutan.
Bunsod ito ng paghamon ni Castro na pangalanan ni Lacson ang mga Kongresistang nagsabi rito na binalak ng mga Kongresista na magpasok sa 2020 budget ng tig-700 milyong pisong Pork barrel liban sa mga Deputy Speaker na umano’y pabibigyan ng 1.5 billion pesos na pork bawat isa.
Ulat ni Meanne Corvera