Senador Panfilo Lacson itinangging pumo-postura na sa 2020 elections

Umalma si Senador Panfilo Ping Lacson sa mga alegasyon na sinimulan nya na ang pagposisyon para sa 2022 elections.

Sa harap ito ng mga banat niya laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa naging posisyon ng Pangulo sa nangyaring banggaan ng Filipino fishing boat at Chinese vessel sa Recto bank.

Nauna nang sinabi ni Lacson na nakakalungkot na tila walang aasahang
tulong sa Pangulo matapos nitong sabihing ordinaryong banggaan lang
ang nangyari.

Depensa ni Lacson, mahilig lang talaga siyang mag-post at mag-komento sa
kaniyang microblogging site at sinasabi nya lang kung ano ang kaniyang
nararamdaman.

Iginiit ni Lacson na kulang at malamya naman talaga ang naging tugon
ng Pangulo sa isyu taliwas sa kaniyang pag-uugali na brusko gaya ng
ginagawa sa isyu ng mga pari, European countries at basura ng Canada.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *