Senador Panfilo Lacson , umalma sa mga batikos ng Pangulo
Umalma si Senator Ping Lacson sa mga batikos ni Pangulong Duterte na wala syang karapatan na magkomento sa isyu ng visiting forces agreement.
Ayon kay Lacson , hindi man sya abogado tulad ng Pangulo pero nang huli niyang mabasa ang saligang batas , malinaw na ang isang Senador ay may say sa anumang international agreement na pinapasok ng Gobyerno.
Payo ni Lacson sa Pangulo i-refresh ang kaniyang memory dahil malinaw sa article 7 section 21 ng saligang batas na ang anumang treaty o international agreement ay magiging valid lamang kung niratipikahan ng two thirds ng miyembro ng Senado.
Kahit ang ordinaryong mamamayan aniya maaring maghayag ng kanyang opinyon at ito ay ginagarantyahan ng saligang batas.
Meanne Corvera