Senador Ping Lacson dismayado sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya

Courtesy of Wikipedia.org

Binatikos ni Senator Ping Lacson ang kapalpakan ng gobyerno sa pagtugon sa covid 19 dahilan kaya patuloy ang pagtaas ng nagpopositibo sa virus.

Sa isang mensahe sinabi ni Lacson na tila walang in charge sa gobyerno. Sa halip raw kasi na bumaba, patuloy ang pagtaas ng nagkakaroon ng virus at tila sobrang malas raw ng mga biktima.

Nauna rito, umapila na ang mga pangunahing ospital sa metro manila dahil sa pag apaw na ng kanilang mga pasyente habang marami rin sa medical staff ang naka isolate dahil nahawahan na ng virus.

Statement Sen. Ping Lacson (The coronavirus has gone berserk. While it is on ‘at-will’ mode, we are like, on autopilot. We can’t feel someone is in charge. Sobrang malas!)

Ilang beses na raw nilang inirekomenda sa Pangulo na palitan na ang mga namumuno sa IATF ng mas eksperto katunayang nagpasa pa ng resolusyon hinggil dito pero walang aksyon ang gobyerno.

Statement of Sen. Lacson ‘We have repeatedly urged the president to change the crew, or at least the captain, even passed a resolution in this regard; exposed shenanigans in many investigations in almost every aspect of the handling of the pandemic; passed urgent legislations and I don’t know what else.”

Please follow and like us: