Senador Ping Lacson, hinihingan ng P800 million ng reporma para sa kampanya
Ibinunyag ni Presidential candidate Ping Lacson na pera sa kampanya ang dahilan ng pag- urong ng suporta sa kanya ni Davao del norte Representative Pantaleon Alvarez ng reporma.
Ayon kay Lacson, hindi totoong mababa siya sa survey kaya hindi na siya sinuportahan ni Alvarez gaya ng pahayag ng kampo nito.
Humingi raw sa kanya ng P 800 million na additional funding para sa kampanya ng kanilang mga lokal na kandidato ang Chief of staff ni Alvarez na hindi nya kayang ibigay.
Sinabi ni Lacson alam ni Alvarez ang pakikipag- usap sa kanya ng Chief of staff nito.
Sa kabila nito, tiniyak ni Lacson na wala syang sama ng loob kay Alvarez at mas makakabuti raw kung hindi na nila pag-uusapan ang isyu.
Meanne Corvera