Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, nag-sorry sa pamilya ng batang napatay sa operasyon sa Rizal
Humingi ng paumanhin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pamilya at publiko kaugnay ng kaniyang pahayag na nangyayari talaga ang collateral damage sa mga police operations.
Kaugnay ito ng pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na bata matapos umanong gawing human shield ng kaniyang ama.
Aminado si Dela Rosa na umani siya ng matinding batikos pero nagkamali lang aniya siya sa paggamit ng lengguwahe.
Aminado si Dela Rosa na sumama ang kaniyang loob matapos na batikusin sa kanyang naging pahayag na tila pinapalabas ng ilan na insensitive o wala itong pakialam sa buhay ng inosenteng bata.
Pero iginiit ng Senador na hindi niya kinakampihan ang mga pulis at mahalaga pa rin sa kanya ang buhay ng mga sibilyan lalo na ang mga bata.
Katunayan desidido siyang pa-imbestigahan ang kaso at papanagutin ang mga pulis na nakapatay sa bata.
Ulat ni Meanne Corvera