Senador Ronald dela Rosa nais na makita ng personal ang sitwasyon sa Sitio Kapihan sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte
Kokonsultahin ni Senador Ronald “bato” dela Rosa ang mga kapwa senador para alamin kung itutuloy ang pagdaraos ng pagdinig sa sitio kapihan sa Socorro sa Surigao del Norte
Target sana ni Dela Rosa na sa lalawigan isagawa ang ikalawang imbestigasyon sa mga alegasyon ng umanoy pagkakaroon ng shabu laboratory, sapilitang pagpapakasal sa mga kabataan at iba pang kaso ng pang aabuso.
Nasa sitio kapihan sa bayan ng Socorro ang komunidad kung saan kabilang ang mga lider at miyembro ng Socorro Bayanihan Services Incorporated o SBSI na inaakusahang nasa likod ng pang-aabuso sa mga kabataan
Nais ni dela rosa na personal na makita ang sitwasyon sa sitio kapihan at para hindi na rin gumastos ang kanilang mga ipatatawag na resource person
Sa nakaraang pagdinig una nang humarap ang tatlong menor de edad at isiniwalat ang mga umanoy pang-aabuso ng kanilang lider na si Jay Rence Quilario alyas Senyor Agila.
Hindi naman nangangamba si dela Rosa sa kanilang seguridad sakaling matuloy sa Socorro ang kanilang pagdinig dahil may security na ibibigay ang Philippine Army at Philippine National Police.
Meanne Corvera