Senador Ronald dela Rosa tutol na palawigin ang EDCA sa pagitan ng Phl at US
Tutol si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na palawakin pa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Dela Rosa kailangan muna itong busisiin ng Senado.
Ayon sa Senador makatutulong ang EDCA para bantayan ang teritoryo ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapatrolya ng mga sundalo.
Para matigil na ang pambu-bully ng China sa mga tauhan ng Philippine Coastguard.
Pero may alinlangan ang Senador sa isyu ng soberenya ng bansa.
Tinukoy ng Senador ang hindi pagsunod ng ilang amerikano sa mga umiiral na batas sa Pilipinas.
Inihalimbawa nito ang kaso ni Lance Corporal Daniel Smith na naharap sa kaso sa Pilipinas pero binigyan ng special treatment.
Kailangan, ayon sa Senador na magsagawa muna ng briefing ang Department of National Defense tungkol sa mga bagong sites ng EDCA at kumbinsihin ang mga mambabatas sa pangangailangan nito.
Meanne Corvera