Senador Sotto, hindi nababahala sa pagbaba sa VP bets survey results
Hindi nababahala si Senate president Vicente Sotto III sa pagbaba niya sa survey ng mga Vice presidentiables.
Sa huling survey ng Pulse Asia, pangalawa lang si Sotto sa mga kandidato sa pagka pangalawang pangulo.
Nakakuha ito ng 29 percent, kumpara sa nangungunang si Mayor Sara Duterte na may 50 percent.
Tuloy naman raw ang kaniyang panliligaw sa publiko at paglalatag ng kaniyang mga plataporma.
Kahapon dumalaw si Sotto sa mga taga Parañaque at nag-courtesy call kina Parañaque Mayor Edwin Olivarez at mga local government officials.
Inamin ni Sotto na isa si Olivarez sa kaniyang mga nililigawan lalo’t nag-endorso na ang partido nito ng susuportahang kandidato sa pagka Vice president.
Si Olivarez ay Vice president for NCR ng PDP laban na naglabas na ng desisyon na si Mayor Sara Duterte ang susuportahang Vice presidentiable.
Aminado si Sotto na malaking bagay ang endorsement ni Olivarez para makuha ang boto ng may 370,000 na mga botante sa Parañaque.
Sinabi ni Olivarez, may pambato na ang PDP laban sa pagka Vice president at sumusunod sila kung ano ang partystand.
Pero tatalakayin pa sa National Executive Committee kung sino ang susuportahang kandidato sa pagka pangulo at mga Senatoriable.
Meanne Corvera