Senador Sotto, nakuha ang endorsement ng Ruling Political Party sa Quezon city
Inindorso na ng Ruling political party sa Quezon city na partido serbisyo sa bayan ang kandidatura ni Vice presidential bet Vicente Sotto III.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang nagtaas ng kamay ni Sotto sa isang pagtitipon ng liga ng mga baranggay sa Quezon city.
Si Sotto ay naging Vice mayor sa Quezon city noong 1988 hanggang 1992.
Ayon kay Sotto, mahalaga sa kanya ang endorsement ng Quezon city na isa sa may pinakamalaking voting population na aabot sa 1.2 million.
Hindi kasamang inindorso ng partido ang kaniyang katandem na si Presidential bet Ping Lacson.
Pero umaasa raw si Sotto na ikukunsidera rin si Lacson ng mga lider sa Quezon city.
Pero ayon kay Mayor Belmonte, baka hindi ito mangyari unanimous raw o 122 sa kanilang mga miyembro ang nagbigay ng suporta kay Sotto pero hindi sila magkasundo kay Lacson.
Kinumpirma ni Sotto na nagpulong na rin ang kaniyang partido na Nationalist People’s Coalition.
Nagkasundo ang NPC na itutulak ang kanyang kandidatura pero walang consensus pagdating kay Lacson.
Hindi naman raw nababahala si Lacson.
Sa isang statement sinabi ng Senador na kung hindi siya susuportahan ng LGU, ang taga Quezon city ang kanyang liligawan.
Naniniwala siyang makakakuha ng sapat na suporta dahil nakakuha naman sIya ng sapat na boto sa lungsod sa nakaraang tatlong Senatorial elections.
Meanne Corvera