Senador Tito Sotto, nanumpa na bilang bagong Senate President….tiniyak na magiging matapang at independent ang Senado sa ilalim ng kaniyang pamumuno
Nagpasalamat si bagong Senate President Vicente Tito Sotto III kay Senador Aquilino Koko Pimentel at sa mga kapwa mambabatas.
Tiniyak ni Sotto na sa ilalim ng kaniyang liderato, mas magiging matapang at independent ang Senado.
Plano nitong magpaalam muna sa kaniyang noontime show para matutukan ang trabaho sa Senado.
Si Sotto ang isa sa mga pinaka-senior member ng Senado na unang nahalal na Senador noong 1992.
Senador Sotto:
“Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari sa araw na ito, ni sa panaginip maluluklok bilang Pangulo ng Senado sa bisa lamang ng prinsipyo ng demokrasya na ang kagustuhan ng marami. Tinatanggap ko ang hamon bilang Pangulo ng Senado”.
Samantala, naitalaga na si Senador Juan Miguel Zubiri bilang Majority floor leader ng Senado.
Ulat ni Meanne Corvera