Senador Tolentino, binisita ang sinalanta ng bagyo sa Siargao

Ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong odette bakas pa rin ang epekto ng hagupit ng bagyo sa Siargao sa Surigao del norte.

Maraming bahay ang nawasak dahil sa lakas ng hangin at mayorya sa mga ito ang tinangay ang bubong at wasak din ang bubong ng airport doon.

Maraming puno rin ang pinadapa ng matinding hanging dala ng bagyo.

Kahapon ay binisita ni Senador Francis Tolentino ang probinsya at inalam ang kalunos lunos na sinapit ng mga residente doon.

Namahagi ito ng financial assistance at relief goods sa mga residente.

Iminungkahi ng Senador sa mga LGU at National housing authority na gamitin ang mga bumagsak na puno ng niyog bilang construction materials.

Ayon kay Tolentino na Chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing, and Resettlement, maaaring magamit bilang alternatibong materyales na panggawa ng bahay ang libo-libong puno ng niyog na natumba noong kasagsagan ng hagupit ni Odette at ipamahagi sa residenteng nawalan ng bahay.

Inatasan ng Senador si NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. na makipag- ugnayan Technical Education and Skills Development Authority para magamit sa teknolohiya kung paano gagawing coco lumber ang mga natumbang puno ng niyog.

Nangako naman si Escalada na agad tutugunan ang suhestiyon ni Tolentino.

Ang NHA ay mamamahagi ng cash assistance na pambili ng roofing materials sa mga pamilya sinalanta ni Odette sa Surigao del Norte, sutigao del Sur, Bohol, Cebu, Leyte, Southern Leyte Negros provinces, Agusan provinces at Palawan.

Video/Photo Courtesy office of Senator tolentino

Please follow and like us: