Senador Trillanes, humingi ng exemption sa election gunban dahil sa banta sa kaniyang buhay

Inamin ni Senador Antonio Trillanes na isa sya sa apat na mga senador na nanghingi ng exemption sa umiiral na gunban bunsod ng papalapit na eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Trillanes, itoy dahil sa tumitinding banta sa kaniyang buhay dahil sa pagiging numero unong kritiko ng administrasyon.

Tinukoy ni Trillanes ang mga nagmamanman sa kanya na hindi raw tumigil matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpaaresto sa kanya nang ipawalang bisa ang ibinigay sa kanyang amnestiya.

Hindi raw nawala ang banta sa kanyang buhay at naniniwala syang naghihintay lang ng oportuniddad ang mga umano’y binayaran para patayin siya.

 Ayaw niya raw magpa kumpyansa dahil mismong ang pangulo umano ang nag-utos na ipapapatay sya matapos ibunyag ang mga katiwalian at mga kaso ng karumal-dumal na pagpatay gaya ng Davao death squad.

Nababahala ang Senador dahil tila lumala pa ang mga kaso ng patayan kung saan ang pinakahuling biktima aniya ay si Ako Bicol partylist representative Rodel Batocabe.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *