Senador Trillanes , nagbantang kakasuhan ang AMLC kaugnay sa bank accounts ni Pangulong Duterte
Nagbanta si Sen. Antonio Trillanes na kakasuhan ang Anti-Money Laundering Council kung hindi bibilisan ang pag aksyon sa mga kasong isinampa nito na may kinalaman samga umano’y bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trillanes, paglabag sa RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials ang isasampa nyang kaso laban sa mga opisyal ng AMLC.
Nauna nang itinanggi ng AMLC na sila ang naglabas ng bank documents sa hawak ng Ombudsman na nagpapakita ng bank records ng pangulo mulang 2006 hanggang 2016.
Sinabi ni Trillanes na tila pinagtatakpan at ipinagtatanggol ng AMLC si Pangulong Duterte.
Iginiit ng senador na dapat pabilisin ng AMLC ang aksyon upang makita ng taumbayan ang katotohanan sa likod ng mga umano’y tagong yaman ng presidente.
Ulat ni Meanne Corvera