Senador umapela kay PBBM na magtalaga na ng permanenteng kalihim ng DA
Umapila si Senador Aquilino Koko Pimentel kay Pangulong Bongbong Marcos na magtalaga na ng permanenteng kalihim ng Department of Agriculture.
Ito’y para may direktang katuwang ang Pangulo sa pagresolba sa problema sa kakapusan ng suplay ng pagkain at patuloy na pagtaas ng presyo nito.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na bibitaw lamang siya sa DA kapag natapos na ang structural changes.
Pero ayon kay Pimentel, masyadong malawak ang saklaw ng Agrikultura na itinulad niya sa mini Philippines kaya kailangan na ang full time na mamumuno dito .
Sandamakmak na aniya ang problema ng bansa sa sektor ng agrikultura mula sa food production hanggang sa smuggling.
Ang paglalagay aniya ng kalihim ay hindi naman nangangahulugang iiwan ito ng Pangulo kundi direktang katuwang nito.
Meanne Corvera