Senador Villar at Tulfo, nagkasagutan sa isyu ng Agri-land conversion
Pinaiimbestigahan ni Senador Raffy Tulfo at nais na ipaisailalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources.
Sakop nito ang lahat ng Undersecretary at Assistant Secretary.
Sa budget hearing sa hinihinging pondo ng DENR, ibinunyag ni Tulfo na may mga hawak syang ebidensya na ang mga opisyal umano ng DENR ay nakikipagsabwatan sa mga illegal miner.
Ayon kay Tulfo, ang inaakusahan niyang mga opisyal matagal nang nakaupo sa DENR .
Ilan sa tinukoy ng Senador ang nangyayaring quarrying sa Masungi Georeserve sa Tanay Rizal kahit kanselado na ang permit sa quarrying.
Sagot naman ni DENR Secretary Antonia Yulo Loyzaga, may ginagawa na silang hakbang para sa integridad at vision ng DENR.
Pero hindi nakuntento ang Senador at igiiit na dapat sibakin ang mga opisyal.
Sa kasagsagan ng pagdinig, sinabi ni Tulfo na dapat magtanggal ng facemasks ang mga taga DENR dahil isa raw sa mga ito present sa hearing.
Pero tumanggi na ang Senador na pangalanan ang tinutukoy nitong opisyal.
Sagot naman ng kalihim bago lang siya sa pwesto kaya mungkahi niya magsagawa ng public hearing ang Senado para maging transparent at malaman ng publiko ang tunay na nangyayari sa Masungi .
Handa aniya silang makipagtulungan sa anumang imbestigasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Meanne Corvera