Senadora Cynthia Villar, nananatili pa ring pinakamayamang Senador sa bansa
Si senador Cynthia Villar pa rin ang nangunguna bilang pinakamayamang
Senador na miyembro ng 17th Congress.
Batay sa inilabas na kopya ng kanilang Statement of Assets, Liabilities
at Networth o SALN, hanggang noong December 31, 2017, si Villar ay may
kabuuang assests na 3,611,260,766.
Mas mataas ito ng 5.2 million kumpara sa kaniyang dating assets na
3,606,033,556.
Sinundan ito ni Senador Manny Pacquiao na may kabuuang assets na 2,
946, 315 ,029. 93 .
Pero bumaba ng 126 million ang kabuuang assets ni Pacquiao mula noong
2016 na umabot sa 3,072,315,030.
Pangatlo naman sa mga pinaka mayamang Senador si Senador Ralph Recto
na 538,889 million, pang apat si Senator Juan Miguel Zubiri na may
152 million habang panglima si Senador Sonny Angara na may
131,765,860.million.
Pang labing-isa si Majority Leader Vicente Sotto III ina may assets na
64,7 million habang pang- labinwalo lamang si Senate President Aquilino
Pimentel na may kabuuang assets na 18.110 million.
Sa 23 Senador, si Senador Antoino Trillanes ang naitalang may pinaka- mababang assets na aabot sa 6 ,871,743.64.
Ulat ni Meanne Corvera