Senate Bill 1324 na layong maglagay ng AED sa pampubliko at pribadong lugar isinusulong ni Senador Lito Lapid
Ang atake sa puso ang isa sa mga pangunahing sakit sa Pilipinas na nagdudulot ng agarang kamatayan pero maaring makaligtas kung maagapan
Ayon kay Senador Lito Lapid, ito ang dahilan kaya isinusulong niya ang Senate Bill no. 1324 na layong maglagay ng mga Automated External Defibrillators sa mga pampubliko at pribadong lugar, gaya ng government buildings, Opisina, Hotels, Resorts, Korte, Eskwelahan, Palengke at Transport terminals.
Ang AED ay isang portable at life-saving device na makatutulong sa pagsalba ng isang buhay sa pamamagitan ng electric shock.
Ayon kay Lapid sa datos ng Philippine Statistics Authority aabot na sa 77,173 Pinoy ang nasawi dahil sa Ischemic heart disease mula January hanggang September 2022.
Pero kung maglalagay ng ganitong makina maaaring makasalba pa ng buhay
Sa panukala ni Lapid, mandatory na maglalagay ng mga AED sa mga nabanggit na lugar at nagtatalaga ng mga staff na may kasanayan sa first aid.
Sila ang maaaring rumesponde sakaling magkaroon ng emergency
Meanne Corvera