Senate blue ribbon committee wala pang sagot sa petisyon para sa house arrest ng mga opisyal ng pharmally
Wala pang desisyon ang Senate blue ribbon committee sa apila ng dalawang opisyal ng pharmally pharmaceutical corporation na maisailalim sa house arrest na ipinakulong sa Pasay city jail.
Ayon sa komite, pinag- aaralan pa ng mga Senador ang mga petisyon nina Mohit Dargani na Treasurer ng kumpanya at Director na si Linconn Ong.
Ang dalawa ay magugunitang ipinakulong dahil sa pagtangging magbigay ng mga dokumento hinggil sa bilyon bilyong pisong kontratang pinasok sa gobyerno para sa medical supplies.
Noong ikatlong ng Marso natanggap ng Blue ribbon committee ang magkahiwalay na motion para sa house arrest nina Ong at Dargani.
Sinabi ng kanilang mga abugado na nahihirapan na ang dalawa sa apat na buwan nang pagkakakulong sa Pasay city jail at apektado na ang kanilang pamilya samantalang wala pa namang paglilitis sa Korte.
Meanne Corvera