Senate Committee on Finance sinimulan nang talakayin ang panukalang National Budget sa 2024
Sinimulan nang himayin ng senate committee on finance na pinamumunuan ni senador Sonny Angara ang panukalang 2024 national budget
Aabot sa 5.768 trillion ang pambansang budget para sa susunod na taon, mas mataas sa 2023 budget na 5.268 trillion
Sa budget hearing nakastigo ang miyembro ng development budget coordination committee dahil sa paghina ng ekonomiya o pagbaba ng gross domestic product ng bansa dahil sa mabagal na paggastos ng gobyerno.
Sa datos ng NEDA, bumaba sa 4.3 percent ang GDP rate o paglago ng ekonomiya sa second quarter ngayong taon kumpara sa 6.4 percent sa unang quarter ng 2023.
Ayon kay senador Loren Legarda, naglalaan ng pondo ang kongreso pero bakit hindi maayos na ginagastos ng mga ahensya ng gobyerno.
Kwestyon ng senador, paano aniya makakamit ang target na paglago ng ekonomiya kung mabagal ang paggastos ng gobyerno
“Decline in govt spending – so was then what we allocated must be allocate and disburse- since you mention downtrend due to decline in govt spending explain what trigger reduce spending – cash disbursement on target” pahayag ni Senador Legarda.
Depensa ng Department of Budget and Management, isa sa dahilan ng pagbagal ang paggastos lalo na sa social services ay ang ginagawang pag-validate sa listahan ng benificiaries ng pantawid pamilyang pilipino program.
“Due ongoing impelementaion program of various agencies based on data in coordination spending low disbursement – 4ps filing traget benificaries “ pahayag naman ni budget secretary Amenah Pangandaman.
Ayon sa NEDA, hindi lang ang government spending ang dahilan ng pagbagal ng ekonomiya
Malaking factor raw dito ang mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo na dulot naman ng mga bagyo at natural hazard.
“Current inflation is domestic how managing food supply items – food inflation learning the lesson in managing food supplies logistics is improving i think further achieve decelaration” paliwanag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan.
Sisikapin aniya ng pamahalaan na ibaba ang inflation o presyo ng mga pagkain hanggang 3.2 percent pagdating ng 2025 sa pamamagitan ng pagpapalakas ng food production
“Based on our calculation underspending – expecting 3 public constructions/more and Ps very much achievable – major typhoons damage in our economy” paliwanag pa ni senador Legarda
Pero sabi ni senador Koko Pimentel, hindi naman ramdam ng mga mahihirap ang sinasabing pagbaba ng inflation at target ng paglago sa ekonomiya ng gobyerno.
hanggang ngayon kasi marami sa ating mga kababayan ang hikahos at naghihirap.
“Sa umpisa lang ng tanong nya. Sana nga ramdam talaga yung pagbaba ng presyo ng pagkain ng ating mga kababayan…Some figures are really detached from the daily concerns of our people” paliwanag naman ni Senador Pimentel.
Meanne corvera