Senate Committee on Public Services, pinadalhan na ng imbitasyon ang MIAA at DOTr para magpaliwanag sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen airlines
Pinadalhan na ng imbitasyon ng Senate committee on Public Services ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority o MIAA at Department of Transportation o DOTr para magpaliwanag sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen airlines.
Batay ito sa mga inihaing resolusyon sa Senado na humihiling na busisiin ang naturang insidente na nagparalisa sa operasyon ng paliparan sa loob ng dalawang araw.
Kasama sa mga pinahaharap sa pagdinig sa Miyerkules sina DOTr secretary Arthur Tugade, MIAA General Manager Ed Monreal, Director General Jim Sydiongco ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP at mga opisyal ng Clark International Airport at mga opisyal ng Xiamen airlines.
Ipinatawag rin ang mga kinatawan ng PAL, Cebu Pacific, Air Asia at mga opisyal ng Philippine Overseas Workers Welfare Administration kasama ang mga nagrereklamong mga pasahero.
Sinabi ni Senador Grace Poe, Chairman ng komite na layon ng imbestigasyon na rebyuhin ang operasyon ng airport at malaman kung gaano kalaki ang naging impact sa mga pasahero at ekonomiya.
Senador Poe:
The recent runaway mishap involving Xiamen airlines at the NAIA which led to Airport paralysis and affected thousand of passengers and substantials flight cancellation which are anathema to rendering basic efficient. Public services with the objectives of reviewing airport operations and management”.
Una nang nagkansela ng 200 flights ang mga Airline companies matapos mabalahaw ang Xiamen Air kung saan tumagal pa ng dalawang araw bago ito tuluyang naalis sa runway ng NAIA.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: