Senate hearing sa ABS-CBN franchise, hahayaan lang ng Malakanyang
Pababayaan lang ng Malakanyang na gampanan ng Senado ang kanilang karapatan na magsagawa ng pagdinig sa franchise ng ABS CBN bilang bahagi ng congressional oversight functions ng Legislative department.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ito ang katunayan na hindi kailanman nanghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa gampanin ng co-equal branch ng gobyerno.
Ayon kay Panelo ang senate investigation ay in Aid of Legislation para makabuo ng batas o amyendahan ang umiiral na batas hinggil sa pagbibigay ng pangkisa ng pamamahalaan.
Inihayag ni Panelo ang isyu sa franchise renewal ng ABS CBN ay nasa kamay na ng mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ulat ni Vic Somintac