Senate Leadership walang nakikitang masama sa pagpayag ng Pangulo na mangisda ang mga Chinese sa West Phil. Sea

Walang nakikitang masama si Senate President Vicente Sotto III sa pahayag ng Pangulo kung saan pinapayagan ang mga Chinese na makapangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Sotto, ang pagpayag ng Pangulo na pumasok ang mga mangingisdang Chinese sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa ay bahagi lang ng pakikipagkaibigan.

Pero hindi masabi ni Sotto kung ang pagpayag ng Pangulo ay maaaring gamitin para makasuhan siya ng impeachment.


Gayunman,  puwede itong maging test case dahil hindi naman talaga malinaw kung may exclusivity ba ang Pilipinas kung pag uusapan ang mga produktong makukuha sa karagatan.

Pero batay sa Saligang Batas at Fisheries code of the Philippines,  hindi maaring pumasok ang mga foreign vessel sa 200 nautical mile ng EEZ ng Pilipinas kasama na ang Recto Bank kung saan nakabanggaan ng mga mangingisdang Pinoy ang mga Chinese.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *