Senate Pres. Sotto, dismayado kay Speaker Cayetano sa isyu ng budget
Nanggagalaiti sa galit si Senate President Vicente Sotto III matapos ipasa ng Kamara sa Senado ang sisi kung hindi agad mailusot at magkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon.
Sa pahayag kagabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano, sinabi nito na isang araw lang na made-delay ang submission ng budget at kung magkakaroon man ng delay o reenacted budget, kasalanan na ito ng Senado.
Sa pag babalik aniya kasi ng sesyon sa November 16, pagtitibayin na ng Kamara ang panukalang 4. 5 trillion proposed National Budget at agad itong isusumite sa Senado.
Pero ayon kay Sotto, tila inililigaw ni Cayetano ang publiko.
Dahil sa maagang nagbakasyon ang mga Kongresista, sa November 16 pa balak aprubahan sa third and final reading ang budget samantalang ayon kay Sotto, dapat ipadala na nila ito sa susunod na linggo sa Senado o sa October 17 bago ang kanilang isang buwang break.
Punto ng Senador, aabutin ng isang linggo ang pagpapa-imprenta ng budget maliban na lang kung ang aaprubahan ng Kamara ay printed materials na.
Hindi aniya dapat maniwala kay Cayetano na naghahanap lang ng sisi.
Hindi isang araw kundi isang buwan itong madedelay dahil sa halip na hawak na ito ng Senado bago ang break para mapag-aralan habang bakasyon maghihintay pa ang mga Senador na matapos ito ng Kamara.
Senate Pres. Sotto:
“Do not be misled. The HOR has delayed the budget for a whole month. No one can ever blame the Senate for this delay. NEVER!”
Meanne Corvera