Senate president Juan Miguel Zubiri, magreresign kapag sinamahan ng political provisions ang ChaCha
Magbibitiw sa puwesto si Senate President Juan Miguel Zubiri kapag nakalusot sa Senado ang anumang amyenda sa political provisions ng saligang batas.
Ayon kay Zubiri, nagpulong ang mayorya ng mga Senador at malinaw ang kanilang kasunduan na lilimitahan sa economic provision lang ang gagawing pagrepaso sa 1987 constitution.
May kasunduan rin aniya sila ni House Speaker Martin Romualdez na i- a adopt ng Kamara ang anumang pagtitibayin ng Senado na nangyari sa harap mismo ng Pangulo.
Yan ay dahil sa mga pangamba ng publiko na maisingit ang term extension at pulitiko rin ang makikinabang sa isinusulong na Charter Change.
Tiniyak ni Zubiri na walang ibang mosyon ang mga Senador sa pagsusulong ng Economic Chacha kundi buksan lang ang mga negosyo para sa mga dayuhan.
Meanne Corvera