Senate president Juan Miguel Zubiri nagpaliwanag sa isyu ng pagkaka blacklist ng Pilipinas sa China
Nagpaliwanag si Senate President Migz Zubiri sa kanyang naunang kumpirmasyon na kasama na ang Pilipinas sa blacklisted tourist sites para sa Chinese tourists.
Ayon kay Zubiri sa kanilang pulong kasama si Chinese Ambassador Huang Xilian, lumilitaw na kasalukuyan nang binabalaan ng Chinese Government ang kanilang mamamayan sa pagtungo sa bansa dahil sa mga krimeng posibleng maganap dahil sa POGO.
Posible anIyang lost in translation ang nangyari sa pahayag ng Ambassador at maaaring ang nais lamang nitong sabihin ay ang posibilidad na mapasama ang Pilipinas sa blacklisting dahil sa POGO operations.
Iginiit ni Zubiri na ang salitang blacklist ay nagmula mismo kay Huang.
Nirerespeto naman ni Zubiri ang paglilinaw ng Chinese embassy sa isyu ng blacklisting at sinabing nagiging maingat lang ang opisyal sa isyu ng diplomasya.
Gayunman ang malinaw aniya ngayon ay bawal ang POGO sa China at ang anumang bansang nagpopromote nito ay dapat arestuhin.
Hinihiling ng Chinese government na itigil na ang aktibidad nito sa Pilipinas at posible itong makaapekto sa turismo ng bansa.
Meanne Corvera