Senate President Pimentel, kumbinsidong maraming pagbabagong naganap sa ilalim ng Duterte administration
Kaugnay ng nalalapit na pag-iisang taon sa panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, kumbinsido si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na marami ng nakikitang pagbabago sa bansa.
Unang tinukoy ni Pimentel ang foreign policy kung saan nagawa ng Pangulo na pairalin ang independent foreign policy ng bansa.
Nakuha ng Pangulo na mag-reach out sa ibang mga bansang hindi pinapansin noong mga nagdaang administrasyon.
Tinukoy ng Senador ang China at Russia na sinikap ng Pangulo na muling pasiglahin ang relasyon nito sa Pilipinas.
Maging ang mga ipinangako ng Pangulo tulad ng pagsasaayos ng income tax at contractualization ay pawang umaandar na sa ngayon.