Senate President Tito Sotto, handang ihatid sa kulungan si Senador Trillanes
Pumalag si Senador Grace Poe sa tila pagmamadali ng gobyerno na arestuhin si Senador Antonio Trillanes.
Iginiit ni Poe na walang inilabas na Warrant of Arrest ang alinmang Korte at wala rin namang banta si Trillanes.
Bukas naman si Senate President Vicente Sotto sa mungkahi ni DILG Secretary Eduardo Año na ihatid sa kulungan si Senador Trillanes.
Ito’y kung maglalabas ng Warant of Arrest ang korte laban sa Senador kaugnay ng pagpapawalang bisa sa kaniyang amnestiya.
Sinabi ni Sotto na bilang lider ng Senado, nais nyang makitang ligtas ang kapwa Senador, kaalyado man o miyembro ng oposisyon.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: