Senate president Vicente Sotto III, back to work matapos mag concede
Matapos mag- concede, balik trabaho na si Senate President Vicente Sotto III.
Kagabi ay tinanggap ni Sotto ang unang ballot box na pop return at certificate of canvass mula sa Malabon.
Gagamitin ito para sa pagbibilang ng mga boto para sa pagka Pangulo at pangalawang Pangulo ng bansa .
Ang Kamara at Senado ay nakatakdang magdaos ng joint session bilang National Board of Canvassers batay sa itinatakda ng saligang batas.
Sila ang opisyal na magbibilang ng boto at magdedeklara ng mga nanalo sa pagka Pangulo at pangalawang Pangulo sa katatapos na halalan .
Ayon pa kay Sotto ,sisimulan ang pagbibilang sa May 24 alas dies ng umaga kung saan pitong Senador ang kakatawan sa NBOC .
Dahil may mga kandidato na ang nagconcede at computerized ang resulta maari aniyang mapabilis ang canvassing na sa kanilang tantya tatagal lang ng tatlo hanggang limang araw.
Meanne Corvera