Senate probe,isinusulong laban sa DOH
Hindi pa rin lusot si Health secretary Francisco Duque the third sa kinukwestiyong paggastos sa pondo ng Department of health laban sa COVID- 19.
Itoy kahit sinabi ng Commission on Audit na hindi nangangahulugan ng kurapsyon ang sinasabi nitong deficiency sa paggastos ng mahigit 67 billion na pondo.
Ayon kay Senate minority leader Franklin Drilon, aalamin nila sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee bukas ang posibleng liability ni Duque.
Ang findings aniya ng COA ay katunayan lang na hindi minadali ng DOH ang pagtugon sa problema sa pandemya dahilan kaya malala pa rin ang kaso sa pilipinas at mahina ang healthcare system ng bansa.
Ang pondo aniya na nananatiling nakatengga ay nangangahulugan rin na hindi tumugon ang DOH sa pangangailangan ng mga health supplies, equiment at services na sanay napakinabangan ng mga biktima ng pandemya.
Pero aminado si Drilon na nasa kamay pa rin ni Pangulong Duterte kung mananatili o sisibakin sa pwesto si Duque.
Madz Moratillo