Senator Panfilo Lacson hindi kontento sa gag order laban kay General Antonio Parlade
Hindi kuntento ang ilang senador sa temporary gag order na ipinataw laban kay General Antonio Parlade bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Ayon kay Senator Ping Lacson, ang isyu laban kay parlade ay higit pa sa pag- atake laban sa mga organizers ng community pantry at pagtawag nito ng stupid sa mga Senador.
Mas nais ni Lacson na tanggalin si Parlade bilang tagapagsalita ng NTF -ELCAC
Malinaw aniya sa saligang batas na hindi maaaring italaga sa isang civilian position ang isang active member ng AFP.
Nais rin ng Senador na parusahan si Parlade dahil sa pakikialam o pakikipagtalo nito sa usaping politikal sa halip na magfocus sa kanyang misyon bilang commanding general ng Southern Luzon Command.
Meanne Corvera