Senior Agila at iba pang opisyal ng Socorro Bayanihan Services, dinala sa DOJ para sa pagdinig sa mga reklamo laban sa grupo
Humarap sa DOJ ang mga opisyal ng Socorro Bayanihan Services Incorporated at ang mga sinasabing testigo at biktima para sa clarificatory hearing sa mga reklamong human trafficking, child abuse, serious illegal detention at iba pa na inihain laban sa grupo.
Nagsagawa ng clarificatory hearing ang DOJ kaugnay sa mga reklamo laban sa Socorro Bayanihan Services Incorporated.
Ang grupo ay nahaharap sa mga reklamong human trafficking, child abuse, serious illegal detention, child marriage at iba pa.
Dumating sa DOJ mula sa Senado ang ilan sa mga opisyal ng grupo kabilang na ang lider nito na si Jay Rence Quilario alyas Senior Agila.
Una nang inilipat sa DOJ mula sa piskalya sa Surigao del Norte ang pagdinig sa mga reklamo laban sa organisasyon.
“Ang process kasi diyan kailangan muna nila i-clarify ang issues they have to get certain facts straight para maayos iyong pi” pahayag ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano
Unang dumating sa DOJ ang mga sinasabing testigo at biktima na nasa pangangalaga ng Inter Agency Council Against Trafficking.
Halos tatlong oras humarap ang mga ito sa panel of prosecutors.
Hindi nakaharap ng mga biktima ang mga opisyal ng Socorro dahil pinapasok lamang ang respondents sa hearing room pagkatapos ng victim witnesses.
“Magsa-submit pa sila ng iba or magsa-suggest pa panel of prosecutors kung ano pa ang puwedeng ibigay na documents para mas maganda yung decsion sa resolution” dagdag pa ni Asec Mico Clavano
Tiniyak ng DOJ na kung may malakas na ebidensya laban sa mga salarin ay ipupursige nila ang kaso para mapanagot ang mga ito.
Moira Encina